Breaking News
Loading...
Wednesday, October 4, 2017

Ivy Aguas inilibing nang buhay sa “Wildflower”




Nakaabang at nakikisimpatya na ang buong bansa sa sasapitin ni Ivy Aguas (Maja Salvador) matapos siyang ipalibing nang buhay ng mga Ardiente sa hit primetime serye ng ABS-CBN na “Wildflower.”


Dahil sa matagumpay na set-up nina Emilia (Aiko Melendez) at Julio (Tirso Cruz III), napaamin nang wala sa oras si Ivy sa pagiging traydor niya sa pamilya nila. Wala namang sinayang na panahon ang mag-ama at agad na pinahirapan si Ivy at ikinulong sa isang kabaong upang tuluyan nang mailibing nang buhay.

Ilang oras matapos ang pagbabaon sa kanya sa lupa, nagawa pang tawagan si Ivy ni Emilia upang asarin at kamustahin ang kalagayan. Hindi naman inaasahang marinig ito ni Jaguar (Wendell Ramos) na agad na ipinaalam ang balita kay Diego (Joseph Marco).

Matunton at mailigtas pa kaya ni Diego si Ivy bago mahuli ang lahat? Nasa mga Ardiente na nga ba ang huling halakhak?

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.






0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved