Breaking News
Loading...
Wednesday, October 25, 2017

Jacintha, lumantad bilang ‘Lady in Red’ sa “La Luna Sangre”




Jacintha, lumantad bilang ‘Lady in Red’ sa “La Luna Sangre”

Sunod-sunod ang mga makapigil-hiningang eksena sa hit action serye na “La Luna Sangre” dahil matapos hirangin si Malia (Kathryn Bernardo) bilang bagong Punong Bantay ng La Liga Unida (LLU) ay inilantad na rin ang katauhan ni Jacintha (Angel Locsin) bilang  ‘Lady in Red.’
Laking gulat nga ng lahat nang makita si Jacintha bilang isang makapangyarihang bampira at pinatumba ang kampo ni Sandrino (Richard Gutierrez) kabilang si Boris (Ali Khatibi). Inilantad na rin na si Jacintha ang nasa likod ng pamamaril kay Sandrino (Richard Gutierrez) gamit ang balang gawa sa pangil ng lobo, dahilan para muling tumibok ang puso ng Supremo.
Hindi naman paaawat si Malia sa pagyakap ng kanyang kapalaran lalo pa’t mas naipapakita na niya ang kanyang angking lakas at kapangyarihan. Matagumpay niyang napamunuan ang LLU sa pagsakop sa kuta ni Sandrino at napatay niya rin si Omar (Ahron Villena). Hindi naman inaasahan na  malaman ni Tristan (Daniel Padilla) na mga lobo at bampira pala ang kakampi niya sa kanyang grupo.
Ano ang susunod na hakbang ni Malia bilang bagong Punong Bantay? Ano ang susunod na gagawin ni Jacintha kontra kay Sandrino? Paano kapag nag-krus ang landas nina Jacintha at Malia? Tuluyan na bang magiging mortal si Sandrino?
Huwag palampasin ang mas pinabagsik na “La Luna Sangre” pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

0 comments :

Post a Comment

Copyright © 2013 Pinoy Power All Right Reserved